Peter wrote:
Problem ko lang po sa Cafe Manila, kung magshut down server ko (due to low power / defective UPS), nadi-disconnect sa clients, kaya mahirap dagdagan ang time nila. Palagi kong ginagawa, pinalog-out ko muna Cafe Manila sa client, tapos resume ko na lng sa server pag nagconnect na. Pero kung nakablock na, pupuntahan ko na yung client at manual disable at enable ko cafe manila. Imaginin mo na lng sa 17 units ko na isaisahin kong disable/enable bawat isa. Nakatatlong palit na ako ng UPS pero ganun pa rin.
Baka may solusyon po kayo diyan? 8.6.6 po version ng Cafe Manila ko
parang un server mo kailangan mong solusyunan eh. 3times ka na nagpalit ng UPS? pero namamatay pa din? hmmm. baka me ibang problema? yung computer ang unstable, hindi un program.