Ano po ba pwede ko gawin, nagrequest ako para itransfer yun PLDT ko sa ibang lugar nagtanong ako kung pwede na i-stop muna ang bayad habang tinatransfer ang sabi sa 'kin ng Customer Service na wala na yun at simultaneous na lang ang meron na continuous ang bayaran habang tinatransfer, nagtanong ako kung gano katagal ang aabutin, sabi nya 1 week kaya pumayag ako. Pero ngayon 1 month na hindi pa din nattransfer, tumatawag ako sa customer service nila sa telepono dapat daw yun isa pinili ko na stop(transfer with effective date) kaso isang option lang binigay sa kin ng Customer Service nila sa Pedro Gil kaya maliwanag na panloloko yun sinabi sa kin dun. Bumalik ulit ako dun kaso wala yun babae na nakausap ko, sabi ng isang nakausap ko baka daw hindi alam ng nakausap ko dati na pwede ang stop. Pero sa tingin ko tumanda na yun babae dun kaya mahirap paniwalaan na hindi nya alam ang ganun. Ang mahirap lang baka tumagal pa at abutin ng ilang buwan pa tapos naka simultaneous ako na continuous ang bayad na hindi ko naman nagagamit dahil hindi na daw pwede baguhin dahil nakalock. Ngayon pabago bago na ng statement ang mga nakakausap ko sa Customer Service nila, ano ba magandang gawin ko?