Now or Next Year...Suggestion please...
1 year, 5 months ago #274165
mga sir mam, kailangan ko po bang lagyan ko na ngayon ng units tong shop ko? currently @ 36 units ako... 5am-2pm medyo mababa benta pero pagdating ng 3pm onwards. medyo tuloy tuloy na yan minsan malakas minsan hindi. minsan kinukulang ung 36 units waiting sa gaming 21 units around 5-10 persons ang waiting tapos dito 15 units ganun din ang waiting minsan.. kaya minsan nanghihinayang ako..
plan ko kasi next year nalang sana na isang bagsakan 14 units bibilhin ko para iisang specs lang sya.. pag ngayon kasi baka konti lang madiscount ko(teka may coop nga pala malaki kaya madiscount ko?)... if ever ngayon ako bumili 42 units mapaparenta ko... magsstart na maggenerate ung income kung magclick talaga sya kasi talagang minsan nagugulat ako kinukulang ung 36 units ko.. kaso kung ngayon na ako bibili magagalaw ung emergency funds ko. kaya natatakot ako maglabas ng pera ngayon dahil mawawalan ako ng panuporta kung magkaroon ng mga aberya kasi baka ma-september madness(ondoy na naman).pagpatak kasi ng november parang dyan medyo secure di ba investment diba? pero nanghihinayang naman ako sa mga ibang customer waiting minsan kasi magpapaalam at babalik nalang daw... waaaaa...
Re:Now or Next Year...Suggestion please...
1 year, 5 months ago #274169
Kung meron lang ako masasagot dyan sinagot ko na sana para makatulong. Sorry di ako expert pagdating sa ganyan. Sana may sumagot na may experience na sa ganyan o professional.
Kelan kaya ako makakakilla ng businessman na malupit? yung tipong pag nakakilala ko walang bumkang bibig kundi business. Sarap kasi ng may mentor e. Iba pa rin talaga yung merong kang mentor.
Re:Now or Next Year...Suggestion please...
1 year, 5 months ago #274182
kung ako yan pareng stanelope magdadagdag na ako agad agad. puno naman pala palagi, palagi pang may waiting. kung may pera rin naman pangbili ng computers diba? sayang yung ibang waiting mo.
Re:Now or Next Year...Suggestion please...
1 year, 5 months ago #274192
bili ka na ngayon BER months. kahit kalahati lng ng target units mo. 1k a day din madadagdag sa sales mo nian. d2 kc mlakas pag ber months. sana dagdagan mo na khit tag apat na pc ung gaming at chatting mo.
Re:Now or Next Year...Suggestion please...
1 year, 5 months ago #274195
sir,
compute mo yung discount na matitipid mo sa kikitain mo kung bibili ka ng maaga. compute mo maigi ang gastos ng pagdagdag baka kasi wala ka pang tables, chairs, switch, wiring, etc.
mahirap mag-decide pag di mo pa nakikita ang bigger picture.
Re:Now or Next Year...Suggestion please...
1 year, 5 months ago #274201
as long as may nakikita kang butas para kumita, sagarin mo na Sir... hindi mo alam baka may nagbabalak na namang magtayo sa tabi-tabi dyan, makahanap pa sila ng butas para magtayo nga kasi kulang sa'yo... pero wag mo po i-zero balance yung emergency fund mo, bawasan mo lang konti... kasi sabi mo naman malaki yung chances na mabawi mo yan, basta kapag kumita uli pasok uli sa emergency fund para sure....
Re:Now or Next Year...Suggestion please...
1 year, 5 months ago #274206
@stan
Golden Rule of Business:
If you see an oppurtunity grab it.
Isipin mo na lang sir, kung naisip mo yang idea na yan malamang yung mga kakumpitensya mo naisip din yan.
Isa to sa pinagsisisihan ko, ilang beses akong nagdoubt kung alam ko lang.. tsk tsk. masakit isipin na minsan ang iyong idea na pinabayaan mong maging idea na lang ay makikita mo ngayon sa market at boom sya. hayts.
Lately lang nangyari ulit to. yung inisip kong lugar last year pa, hayts may shop na ngayon at untapped market pa @25/hr. tsk tsk lost oppurtunity.