Unified Lanshop Owners Portal

Banner
Welcome, Guest
Username Password: Remember me

Recommended ninyong business?
(1 viewing) (1) Guest

TOPIC: Recommended ninyong business?

Recommended ninyong business? 1 year, 5 months ago #272765

Ano po ba magandang business na pangdagdag kita? o para umikot ang pera ko. Nabwibwisit ako natutulog pera ko sa bangko.

Laki rin pala kita sa tindahan di ko akalain. Kahit papiso piso lang siya pag pinagsama mo lahat magugulat ka na lang malaki rin pala siya.

Taga province pala ako bulacan. Iniisip ko kung ano maganda pang pasukan na business bukod sa netcafe at tindahan ko.

Meron ba sa inyong babuyan dito? o manukan? Balak ko kasi yun. Kaso la pa ako information tungkol sa babuyan at manukan.

1. Ano ba ang advantage at disadvantage kung sakaling magpatayo ako ng manukan o babuyan?

2. Mahirap ba ito alagaan yung tipong dapat lagi ka nakabantay?

3. Di ba makakasagabal masyado ang netcafe at tindahan ko kung sakaling magpatayo ako ng manukan babuyan?

Kung hindi okey babuyan at manukan. Baka meron po kayo marerecomend na mapagkakakitaan.

Re:Recommended ninyong business? 1 year, 5 months ago #272767

SongHyeKyo wrote:

pwede rin yan kaso wag lang sa marami bahayan kasi marereklamo ka sa baho^_^ dapat amoy sampaguita yung mga ebak ng alaga mo ng di ka ma reklamo kung sakali^^
  • arnjuv
  • OFFLINE
  • Gold Boarder
  • Posts: 1581
wag kang lilingon ng di moko makita

Re: Recommended ninyong business? 1 year, 5 months ago #272768

Pwede yung manukan na air condition (affiliate with magnolia) malaki nga lang ang puhunan need mo lupa saka patayo ng magiging kulungan(concrete).

Pero bawing bawi ka naman sa bawat anihan.
  • athenaxd
  • OFFLINE
  • Platinum Boarder
  • Posts: 3504
Last Edit: 1 year, 5 months ago by athenaxd.

Re: Recommended ninyong business? 1 year, 5 months ago #272769

Problema mo lang sa manukan o babuyan, mga kapitbahay dahil sa amoy nito, kung malayo ka sa residential area ok na ok yan business na yan. Sipag at Tiyaga lang tutal may puhunan ka na. Tutok lang talaga kailangan diyan pero syempre sulit ang kita kapagwalang peste.

Re: Recommended ninyong business? 1 year, 5 months ago #272771

Meron daw tinatawag na enviroment friendly para di magamoy mabaho ang babuyan o manukan. Amp kasi e di ko matandaan kung saan ko napanood sa tv yun. Kakainis.

Bukod sa babuyan at manukan? baka may isusugest pa kayo ibang business? Actually! may bakanteng malaking lupa sa likuran ng bahay ko.

Re: Recommended ninyong business? 1 year, 5 months ago #272773

disadvantage din sa manukan at babuyan ang mapeste... sa fishery naman ung sobrang sapak sa ulan tapos biglang aambon na pagkatagal dun daw nasosofocate ung mga isda.

parang maganda sana ung magtatanim ka ng mga prutas mangga saging dalandan bayabas singkamas papaya basta maraming variation meron ka lang taga maintain sa farm mo at alamin kung ano dapat para mas maraming bunga sila...

invest mo nalang sa lupa ung pera mo... tapos tayuan mo ng bahay.. benta mo ng triple sa pagkakabili mo at pagkakagawa mo.
  • oldfriend
  • OFFLINE
  • Expert Boarder
  • Posts: 610

Re: Recommended ninyong business? 1 year, 5 months ago #272775

oldfriend wrote:
disadvantage din sa manukan at babuyan ang mapeste... sa fishery naman ung sobrang sapak sa ulan tapos biglang aambon na pagkatagal dun daw nasosofocate ung mga isda.

parang maganda sana ung magtatanim ka ng mga prutas mangga saging dalandan bayabas singkamas papaya basta maraming variation meron ka lang taga maintain sa farm mo at alamin kung ano dapat para mas maraming bunga sila...

invest mo nalang sa lupa ung pera mo... tapos tayuan mo ng bahay.. benta mo ng triple sa pagkakabili mo at pagkakagawa mo.

Sir nagawa ko na yan bumili ako ng lupa dito. Yun nakatambak lang. May nagsasaka dati kaso ginugulangan ako tapos ang tatamad pa. Sayang nga e 150k yung lupa walang nangyayari. Kung tatayuan naman ng bahay malabo rin sir mga walang pera mga tao dito. Pagsasaka lang kinabubuhay nila.

Re:Recommended ninyong business? 1 year, 5 months ago #272776

magtanong-tanong po kayo sa pinakamalapit na B-MEG/san miguel sa inyong lugar

dahil nag o-offer sila ng free seminar sa hog at poultry raising

free po ito kaya pag umatend kayo, dun kayo makakapag decide kung para sa inyo ba itong business na ito

Re:Recommended ninyong business? 1 year, 5 months ago #272777

Lernquest wrote:
magtanong-tanong po kayo sa pinakamalapit na B-MEG/san miguel sa inyong lugar

dahil nag o-offer sila ng free seminar sa hog at poultry raising

free po ito kaya pag umatend kayo, dun kayo makakapag decide kung para sa inyo ba itong business na ito

Maraming salamat sa info. Eto gusto ko sa ulop matutulungin mga tao. Di tulad sa ibang forum mag nagaastang barumbado kala mo kung sinu makaasta. Di ko nga malaman bakit hindi nababan yung mga flamer sa ibang forum. Pati ata forum moderator kinakatakutan sila.

Re:Recommended ninyong business? 1 year, 5 months ago #272779

Try nyo magresearch about tilapia farming, ung parang nasa aquarium lang sya, pwede yatang indoor ang ganun tapos di ganung kalaking lupa kelangan nyo, yan sana plano ko, kaso wala naman akong bakanteng lote e.
  • Nemo
  • OFFLINE
  • Expert Boarder
  • Posts: 516
Time to create page: 0.47 seconds

Sponsors

Get Your 10% Discount
Sign up for our exclusive monthly offers and get an instant 10% discount! REGISTER for this promo.

Printer Repairs Shop
Cubao Area and Sta Mesa. Short Lead Time. Guaranteed Work.

Wholesale Ink Supplies
Added Income. Best in market price. Continuous Ink System, Ink Refills, Photopapers.